Mga pwedeng gawin sa Okt. 15

Sa mga bloggers na nagbabalak sumali sa Miyerkules, salamat po.

Bagaman malapit na ito, may oras pa para mag-isip ano ba ang magandang paksa sa blog.

Pwedeng kuwento ito ng tagumpay. Halimbawa, kung nasa negosyo ka, ano kayang magandang proyektong pangkabuhayan para sa dukha? Kung estudyante ka at kabilang ka sa milyon-milyong mahihirap, isulat mo ang mga pangarap mo. O baka mahilig kang maglitrato — ano ba ang magandang kuha mo na sumasalamin sa kahirapan o sa mga dukha.

Pwedeng ring tula, video o podcast kaya. Pwede rin siyempreng mag-Twitter at Plurk.

Sa totoo lang, pwede ngang may panghandang post tayo ngayon o bukas — nagyayaya sa iba na makiisa din sa atin o kaya magtanong sa mambabasa kung ano ang magandang “pag-atake” sa isyu ng kahirapan.

Basta ang siguraduhin lang, makakapagpost tayo sa ating blog sa Okt. 15. Bakit? Kasi kahit patay na si Mang Pandoy, nandiyan pa rin ang kahirapan.

7 Comments »

  1. bikoy.net | Blog Action Day 2008: Philippines Said,

    October 13, 2008 @ 8:09 am

    [...] Poverty is a reality that we cannot deny. We see it everyday. Many live with and in it 24/7. The imperative now is to change this situation. The Blog Action Day 2008 is an opportunity to get poverty out from under the rug where the government has consigned it. We hope that through this renewed focus on poverty, it will be a new start to better understand and not hide it, to offer real solutions not fake ones, to salve the poor people’s wounds and not give them dole-outs. If you want to join Blog Action Day 2008, there are a number of things you can do. Read on. [...]

  2. paul orila Said,

    October 14, 2008 @ 6:43 am

    di naman ako magaling na blogger, pero tingin ko isa sa mga significance ng media na ‘to ang makapagshare ng ideas para madagdagan ang awareness ng society sa madaming isyu, halimbawa na lang ay poverty.
    sana sa oct. 15 (bukas na pala), makagawa ako ng isang post na tatalakay sa isyu ng kahirapan.

  3. » Helplessness Said,

    October 14, 2008 @ 7:13 am

    [...] is my official contribution for Blog Action Day. Do you have something to say about POVERTY? Blog about it TOMORROW! (15 October [...]

  4. Helplessness | Filipino Voices Said,

    October 14, 2008 @ 7:18 am

    [...] is my official contribution for Blog Action Day. Do you have something to say about POVERTY? Blog about it TOMORROW! (15 October [...]

  5. Flow Said,

    October 14, 2008 @ 11:11 pm

    Sorry ngayon lang ako nakabas pwede pa bang humabol benj sa pagsuporta?

  6. benj Said,

    October 15, 2008 @ 6:33 am

    Oo naman. :)

  7. Juliet Z. Cruz Said,

    October 16, 2008 @ 10:34 am

    Thanks! I will make one soon! This one is not only for Oct 15, it should be an awareness and positive action campaign all throughout the decade!

    Let’s be part of the worldwide campaign…I will do my blog about this…(http://www.pinoyvision.blogspot.com)

    Cheers,
    Juliet

Leave a Comment

You must be logged in to post a comment.